PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL KAUGNAY NG KOLABORATIBONG PANG-AKADEMIKO AT UGNAYANG SOSYAL
Main Article Content
Abstract
Maituturing na ang pagtuturo ay hindi biro sapagkat nangangailangan ito ng karunungan at ng pagiging dalubhasa sa larangang itinuturo. Ang pagsasaalang-alang sa pamamaraan o estratehiyang kawili-wili na nagbibigay ng panibagong pananaw at mga kasanayang lilinang at magpapaunlad ng kaalaman at sariling kalinangan ng mga mag-aaral ang pangunahing dapat isaalang-alang ng mga guro.
Ang isa sa estratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo ay ang pangkatang gawain na kung saan sa bawat pangkat ay may lima hanggang pito sa bawat kasapi ng grupo.Ang pagtuturo ay isang hamon, kaya nakaatang sa balikat ng guro ang mahusay sa pagganyak, pagbabalak at pagpapasiya sa pamamaraang gagamitin na angkop sa bungang pagkatuto ng asignaturang itinuturo. Ang isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo’y humahamon sa mga mag-aaral upang sila ay makikiisa at tumulong sa mga gawain. Samakatuwid, kailangan ang kolaboratib/ kooperatib na mga pamamaraan sa pagtuturo upang maihanda ang mga mag-aaral para sa matalino at demokratikong paglahok sa lipunan na may kakayahang makipag-interaksiyon, makabuo ng kolaboratib na pasiya at makipagtulungan para sa kapakanan ng nakararami. Kinikilala na ngayon ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga mag-aaral sa klasrum at ang bisa ng kooperatibong pagsasagawa ng mga gawain sa pagkatuto.